Patakaran sa Pagkapribado

Prinsipyo

Ang AIP Corporation (matapos nito ay tatawaging "AIP") ay umaambag sa lipunan sa pamamagitan ng pagbigay sa mga kompanya at mga organisasyon ng pinrosesong estatistiko na impormasyon tungkol sa kamalayan ng mamimili at mga sirkumstansiya tungkol sa mga serbisyo at produkto na nalikop sa pamamagitan ng pananaliksik sa merkado at online na pagmemerkado.
Sa pagsasagawa ng negosyo sa itaas, bilang respeto sa proteksiyon ng personal na impormasyon na pinanggalingan ng impormasyon, ang AIP ay tumutupad sa, lingid sa iba, mga batas tungkol sa pamamahala ng personal na impormasyon, mga tagubilin na ibinigay ng gobyerno, ang “Mga Gabay para sa Proteksiyon ng Personal na Impormasyon sa Industriya ng Pananaliksik ng Merkado” at ng “Koda ng Asal ng Pananaliksik sa Merkado” na isinaad ng Samahan sa Pananaliksik ng Merkado ng Japan (Japan Marketing Research Association) kung saan kami kabilang, at ng "ICC/ESOMAR Code" na koda ng asal para sa industriya ng pananaliksik sa merkado.
Pati na rin ang pagsasama-sama at paggamit ng personal na impormasyon sa tamang paraan, at pagbibigay nang sapat na atensiyon sa at pagsasagawa ng karapat-dapat na mga pamamaraan para sa kaligtasan, kustodiya at pamamahala ng impormasyong ibinigay ng pangunahing tao, ang AIP ay nagdedeklara sa mga nasa loob at nasa labas ng kompanya na isinasaad namin, ipinapatupad at minementina ang “Patakaran sa Pagkapribado" na ito.

Pagkuha ng Personal na Impormasyon at Paggamit nito

Pagsasaliksik ng Merkado

  1. Ang Dibisyon sa Pananaliksik sa Merkado ng AIP ay nasa negosyo ng pagsasagawa ng pananaliksik sa merkado at naglalayon na aralin ang kaalaman ng mamimili at mga sirkumstansiya ukol sa mga produkto at serbisyo, upang makakuha ng ganitong impormasyon, at makapagbigay sa mga kompanya at ibang mga organisasyon ng mga impormasyong ito matapos ito istatistikong iproseso. Ang personal na impormasyon na nakuha ng AIP para sa layunin ng pagsasagawa ng negosyong ito ay isusuma bilang pinagsamang istatistikong impormasyon, at hindi gagamitin sa paraan na pagsulong sa personal na pagkikilanlan ng indibiduwal.
  2. Upang tukuyin ang magpapartisipa sa aming pananaliksik sa pagsusuri ng merkado, ang AIP ay maaaring kumuha ng pangalan ng lalahok, address, atbp. bago pa man. Ang impormasyon ay kukunin sa pamamagitan ng ilang pagkukunan ng impormasyon, katulad na pagrehistro sa sarili bilang miyembro ng aming webpage na ginawa para sa mga pagsusuri sa pananaliksik ng merkado o pagtanggap ng probisyon mula sa nag-consign ng negosyo sa pananaliksik ng merkado (kliyente). Ang impormasyon ay tatratuhing tama at legal.
  3. Ang AIP ay maaaring malawakang lumikom ng mga taong makikipagtulungan sa aming pananaliksik ng merkado at maaaring magrehistro ng mga aplikante (matapos nito ay tatawaging “Panel”) bilang mga tumutugon; subalit, bago ang aplikasyon, aabisuhan sila ng layunin ng paggamit ng kanilang personal na impormasyon na nakuha sa pamamagitan ng relebanteng recruitment, alinsunod sa iba’t-ibang mga regulasyon, patakaran sa pagkapribado, atbp. na naisapubliko sa aming website.
  4. Ang AIP ay maaaring magsagawa ng pagsusuri nang hindi tumutukoy sa tumutugon (Target ng Pagsusuri) na hinihilingan naming makipagtulungan sa among pananaliksik ng merkado at maaaring kumuha ng personal na impormasyon katulad ng pangalan, address sa panahong iyon. Sa ganoong kaso, aabisuhan namin ang tumutugon ng layunin ng paggamit, nang nakasulat o sa pamamagitan ng pagsabi, bago pa man.

Pag-e-empleyo

  1. Kapag nasa pagtanggap ng personal na impormasyo habang nag-eempleyo ng bagong mga empleyado, itinuturing ng AIP na sosyal na responsibilidad namin na pangalagaan ang kaligtasan ng nasabing impormasyon at rerespetuhin ang pagkapribado ng aplikante at panatiliin ang integridad nito.
  2. Ang personal na impormasyon ng mga aplikante sa AIP, kasama ang pangalan, address, numero ng telepono, e-mail address, na nakarehistro kapag nagsasagawa ng mga gawain sa pag-recruit ay itatago sa aming database, at bibigyan ng mahigpit na pagbabantay at pagmementina.
  3. Maliban sa nasa itaas, ang personal na impormasyon (impormasyon na maaaring makilala ang indibiduwal, katulad ng pangalan, araw ng kapanganakan) o impormasyon na konektado sa isang indibiduwal katulad ng e-mail address, ID ng Gumagamit, password o naipong impormasyon tungkol sa pagkatao ng indibiduwal katulad ng mga libangan, istraktura ng pamilya, edad, atbp., ay pamamahalaan alinsunod sa batas at mahigpit na ipatutupad.

Bumalik sa itaas

Mga Sukatan sa Seguridad at Rebisyon

Upang ligtas na pamahalaan at paandarin ang nakuhang personal na impormasyon, ang AIP ay nagsasagawa ng makatwiran at kaparat-dapat na mga pamaaraan sa seguridad upang maiwasan ang mga peligro katulad ng ilegal na access sa personal na impormasyon mula sa kawalan, pagkasira, pagkawasak, pagbabago, paglabas ng impormasyon, ilegal na pagdaan, atbp. Susubukan naming pabutihin at baguhin ang mga pamamaraan sa seguridad na ito panapanahon.

Dagdag pa sa itaas, ang AIP ay naglagay ng Tagapamahala sa Proteksiyon ng Personal na Impormasyon upang maayos na mapamahalaan ang personal na impormasyon, nakagawa ng mga regulasyon ng kompanya para sa pamamahala ng kaligtasan at panapanahong magsasagawa ng pagsasanay ng empleyado tungkol sa proteksiyon ng personal na impormasyon.

Personal na Impormasyon

Ang personal na impormasyon (matapos nito ay tatawaging “Personal na Impormasyon”) na aming pinanghahawakan ay:

  1. Personal na impormasyon ng aming mga kliyente
  2. Personal na impormasyon ng aming mga miyembro ng pagsusuri
  3. Personal na impormasyon ng aming mga kasalukuyan at retiradong mga empleyado

Paghiling sa Pagsisiwalat ng Personal na Impormasyon

Tumutugon ang AIP sa mga kahilingan sa pagsisiwalat, mga pagbabago (pagtatama, pagdagdag o pagtanggal ng mga nilalaman) at suspensiyon ng paggamit (suspensiyon ng paggamit, pagbura at suspensiyon ng probisyon sa mga ikatlong partido [matapos nito ay tatawaging “Mga Pagsisiwalat”]) mula sa pangunahing tao ng personal na impormasyon, o kaniyang kinatawan, maliban kung ang mga pagsisiwalat ay nakakasira sa mga karapatan at mga interes, kasama ang buhay, katawan, pag-aari atbp. ng prinsipal na indibiduwal o isang ikatlong partido o maaaring malalang makahampil sa ating mga negosyo at lumabag sa mga batas at ordinansiya.

1. Mga bagay sa sasailalim sa paghiling sa pagsisiwalat

  • Pangalan, address, edad, araw ng kapanganakan, e-mail address, at ibang mga impormasyon sa katauhan
  • Personal na impormasyon (kasama ang mga pag-apply sa trabaho) na nirehistro ng tao mismo sa aming website
  • Personal na impormasyon kaugnay ng mga tugon sa pagsusuring palatanungan

2. Taong kaugnay para sa paghiling ng pagsisiwalat

  1. Ang AIP ay tutugon sa paghiling sa pagsisiwalat, mga pagbabago at suspensiyon ng paggamit sa pamamagitan ng Pahina Ko ng bawat Miyembro ng Panel.
  2. Sa anumang ibang mga kaso, pakigamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnay sa ibaba. Ang pag-abiso ng mga dokumentong isusumite ay ibibigay sa panahon ng hindi mahalagang paghiling.

Humiling para sa Pagsisiwalat ng Personal na Impormasyon.

Humiling para sa Pagsisiwalat ng Personal na Impormasyon.
MO Building 5th Floor
3-14-15 Higashi Shibuya-ku, Tokyo 150-0011 JAPAN
TEL: +81-3-5464-8050

I-click dito upang makipag-ugnay sa amin.

Bumalik sa itaas

Nagbibigay ng Personal na Impormasyon sa Mga Ikatlong Partido

Ang AIP ay maayos na mamamahala sa nakuhang mga personal na impormasyon at hindi ibibigay ang ganitong impormasyon sa mga ikatlong partido nang hindi nagbibigay ng naunang pahintulot mula sa indibiduwal, maliban sa mga sumusunod na mga pagkakataon:

  1. Sa ilalim ng batas.
  2. Kailangan upang maiwasan ang potensiyal na pananakot sa personal na kaligtasan ng sinumang tao o pag-aari at kung mahirap makuha ang pahintulot ng tao.
  3. Lalong kailangan upang mapabuti ang pampublikong kalusugan at upang magpalawak ng malusog na pangangalaga ng mga bata at kung mahirap makuha ang pahintulot ng tao.
  4. Kailangan upang makipagtulungan sa trabahong itinakda ng mga batas na isinagawa ng mga institusyon ng gobyerno, mga lokal na gobyerno o kanilang mga trustee at sa pagsasagawa ng mahalagang trabaho na maaaring maharangan ng pagkuha ng pahintulot ng tao

Patuloy na Pagpapabuti ng Sistema ng Pamamahala para sa Proteksiyon ng Personal na Impormasyon

Upang mapatupad ng buo ang aming Patakaran sa Pagkapribado, ang AIP ay gumawa ng sistema ng pamamahala para sa proteksiyon ng personal na impormasyon kasama ang mga regulasyon; ngunit, patuloy namin rerepasuhin at pabubutihin ang sistema sa pamamahala sa pamamagitan ng edukasyon ng lahat ng mga empleyado at mga regular na pag-audit ng istado ng operasyon, upang mapabuti ang pagkaepektibo nito.

Mga Pagtatanong/Reklamo

Para sa anumang mga tanong o reklamo tungkol sa aming Patakaran sa Pgakapribado o mga kasanayan sa pagkapribado, pakigamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnay sa ibaba. Agad tutugunan ng AIP lahat ng makatuwirang hiling para sa pag-abiso ng layunin ng paggamit, pagsisiwalat, pagbabago (pagtatama, apgdagdag o pagtanggal ng nilalaman), at suspensiyon ng paggamit (suspensiyon ng paggamit, pagbura at suspensiyon ng probisyon sa mga ikatlong partido) mula sa pangunahing tao ng personal na impormasyon, o kaniyang kinatawan.

Katanungan tungkol sa Pamamahala ng Personal na Impormasyon ng AIP.

Katanungan tungkol sa Pamamahala ng Personal na Impormasyon ng AIP.
MO Building 5th Floor
3-14-15 Higashi Shibuya-ku, Tokyo 150-0011 JAPAN
TEL: +81-3-5464-8050

I-click dito upang makipag-ugnay sa amin.

Pinapangako ng AIP na lahat ng aming mga empleyado, sa buong pag-iintindi at intensiyon ng Patakaran sa Pagkapribadong at mga pamamaraan para sa paghawak ng personal na impormasyon, ay gagawin ang kanilang pang-araw-araw na operasyon nang may malapitang atensiyon sa proteksiyon ng personal na impormasyon.

Itinaguyod: Pebrero 10, 2004
Binago: Oktubre 1, 2006
Huling Binago: April 1, 2010

AIP Corporation
Presidente: Hidefumi Watanabe

Bumalik sa itaas